Russell Westbrook, Tim Duncan

Thunder, diniskaril ang Spurs; umusad sa WC Finals vs GSW.

OKLAHOMA CITY (AP) — Sa pagkakataong ito, nanaig ang katatagan laban sa karanasan nang gapiin ng Oklahoma City Thunder ang may edad nang San Antonio Spurs, 113-99, sa Game 6 ng Western Conference best-of-seven semi-final nitong Huwebes ng gabi (Biyernes sa Manila).

Magkatuwang sina one-time MVP Kevin Durant at Russel Westbrook, tumipa ng pinagsamang 65 puntos, para paluhurin ang dating matayog na Spurs para isara ang serye sa 4-2.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

Makakaharap ng Thunder, isa sa pinakabata at pinakamaliksing koponan sa liga, ang defending champion Golden State Warriors. Nakabalik sa Conference finals ang Warriors nang tapusin ang Portland Trail Blazers, 4-1.

Nagapi ang Oklahoma City sa Game 1, 124-92, ngunit, hindi nasiraan ng loob ang kanilang first-year coach na si Billy Donovan para gabayan ang Thunder sa apat na panalo sa huling limang laro. Nadomina ng Thunder ang Spurs sa Game 6 kung saan lumobo ang bentahe sa pinakamalaking 28 puntos.

“We had that game, and we left it behind us,” pahayag ni Westbrook.

“We came out after that and had a different mindset. We knew what we had to do to win the series. They’re a great team. They’ve been winning for 10-plus years, same pace. I’m just proud of our guys.”

Nag-ambag si Steven Adams ng 15 puntos at 11 rebound at dinugo ang opensa ng 40-anyos na si Duncan at iba pang “big men” ng Spurs sa mala-moog na depensa ni Adams.

“Golden State’s a great team,” sambit ni Donovan.

“It will be a great challenge. We’ve got a little bit of time to prepare before we play, but right now, for us, it’s just to enjoy the opportunity to move on, get a chance to continue to play and get as prepared as we can going into Game 1,” aniya.

Target ng Spurs na mapalawig ang winning streak ngayong season sa prangkisa matapos umarangkada sa 67-15 sa regular season. Nahirapan nang husto si Duncan bago nakapagtumpok ng 19 na puntos.

Ngayon, tiyak na malinaw na kay Duncan kung saan patungo sa susunod na season.

“I’ll get to that after I get out of here and figure life out,” aniya.

Nanguna sina Kawhi Leonard na may 22 puntos, at LaMarcus Aldridge na kumana ng 18 puntos para sa Spurs, natalo sa ikalawang pagkakataon ng Thunder sa home court ngayong season.

Marami ang nagsasabi na panahon na para isabit nina Duncan at Manu Ginobili, 39, ang jersey para simulan ang pagbabagong bihis ng Spurs. Sa panahon ng katatagan ni Duncan, nagabayan niya ang Spurs sa limang NBA title.