PINURI ni Environment Secretary Ramon J.P. Paje ang pagsasabatas ng “green jobs” o employment activities na makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan, ayon sa ulat ng Philippine News Agency (PNA).
“This law will shore up support to our commitment to the Paris Agreement to work with the United Nations and other countries against global warming,” pahayag ni Paje, tinutukoy ang Republic Act (RA) 10771, o ang Philippine Green Jobs Act of 2016, na siyang nilagdaan ni Pangulong Aquino para tuluyang maisabatas noong Abril 29.
“It cements our pledge to pursue policies that would make communities climate change adaptive and resilient,” dagdag ni Paje.
Ang Paris Agreement ang bagong global climate deal kaugnay sa greenhouse gas (GHG) emissions mitigation, adaptation and finance simula sa taong 2020.
Ito ay pinag-usapan at inaprubahan ng mga representante ng mahigit 190 bansa sa 21st Conference of the Parties of the United Nations Framework Convention on Climate Change sa Paris noong Disyembre 2015.
Ito ay inumpisahang buksan para lagdaan nitong Abril 22, Earth Day, at nilagdaan ng 177 bansa, kabilang na ang Pilipinas.
Inatasan ni Pangulong Aquino si Paje na lagdaan ang Paris deal para sa Pilipinas, sa UN Headquarters, sa New York City.
Ang RA 10771 ay ang “green jobs” na layuning mapangalagaan o muling maibalik ang ganda ng kalikasan.
Ayon kay Paje, ang RA 10771 ay inaasahan na “propel the delivery of the country’s Nationally Determined Contribution to reduce by 70 percent our GHG by 2030 compared to 2000 which will come from the waste management sector.”
“In the long-term, this will greatly benefit countries like the Philippines which are most vulnerable to climate change,” dagdag pa ni Paje.