BEIJING (AP) – Puspusan ang pagsisikap ng mga rescuer kahapon para matagpuan ang 34 na obrero na nawala matapos ang pagguho sa isang hydropower project kasunod ng ilang araw na pag-uulan sa katimugang China. Pitong manggagawa ang natagpuang buhay, ayon sa mga opisyal at state-run media.

Gumuho ang tipak-tipak ng putik na aabot sa 100,000 cubic meters sa isang gusaling opisina na naroon rin ang tirahan ng mga obrero sa kabundukang Taining county sa lalawigan ng Fujian dakong 5:00 ng umaga kahapon.

Hindi pa malinaw ang sanhi ng landslide, bagamat ilang araw nang umuulan sa lugar, ayon sa awtoridad.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina