IPINAGDIWANG ng mga manggagawa ang Araw ng Paggawa sa pamamagitan ng kilos-protesta laban sa pamahalaan. Isa sa kanilang mga pangunahing hiling ay ang maalis na ang “endo” o contractualization. Ito ay ipinangakong gagawin daw ng mga presidentiable, kung sinuman sa kanila ang manalo, sa kanilang huling debate.

Pero para sa mga negosyante, malabo raw na ito ay mangyari. Kung talagang maiipit sa pagitan ng dalawang magkatunggaling posisyon na ito sa nasabing isyu ang sinumang magwawaging presidentiable, sa palagay kaya ninyo, matutupad niya ang ipinangako niyang wawakasan ang endo at contractualization?

Matagal na itong reklamo ng mga manggagawa. Paraan ito ng mga negosyante upang hindi sila matali sa mga itinatakda ng mga batas na nagbibigay ng mga benepisyo sa mga manggagawa. Sa isang banda, inalis nito ang kasiguruhan sa manggagawa na mananatili at magtatagal siya sa trabaho. May kautusan na ang Department of Labor and Employment (DoLE) at may mga desisyon ang korte laban dito. Pero sa kabila nito, at sa reklamo ng mga manggagawa, ay patuloy na umiiral ang endo at contractualization. Kasi, hindi naman ito ang talagang problema. Ito ay sintomas lamang ng tunay na karamdaman ng lipunan. Ang ekonomiya ay hindi makaagwanta sa pangangailangan ng mamamayan. Kasi, service, hindi production-oriented ito.

Walang ipinag-iba ang endo at contractualization sa pagdagsa ng mga Pilipinong nangingibang-bansa para makapagtrabaho. Kagaya rin ito ng isa pang isyung tinalakay ng mga nagdebateng presidentiable—ang problema sa kalusugan. Ang mga naninirahan sa kanayunan, kapag nagkasakit, ay ipinauubaya na lang sa kalikasan o kapalaran ang kanilang paggaling. Dahil sa kahirapan, lumalabas ng bansa ang ating mga kababayan para mabuhay. Dahil sa kahirapan, ang mamamayan naman natin sa kanayunan ay nangangamatay dahil walang perang pambili ng gamot at pambayad sa serbisyo ng manggagamot. Hindi kayang ibigay ang ganitong mga pangunahing pangangailangan sa kanila dahil ang klase ng ekonomiya natin ay nagpapadukha ng marami pero nagpapayaman sa kakaunti.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang ekonomiyang nagwawasak ng kahirapan at nagbibigay ng maramihang trabaho at pangunahing pangangailangan ay nakasandig sa tunay na reporma sa lupa at industriyalisasyon na sinandigan ng mga umuunlad at maunlad nang mga bansa. Ang Vietnam, na pinulbos ng digmaan para sa kalayaan nito, ay nakaahon na sa kahirapang kinalugmukan at ngayon ay sa kanila pa tayo umaangkat ng bigas. Kasi matino ang kanilang mga leader, na ipinairal nang lubusan ang tunay na reporma sa lupa ay industriyalisasyon. (Ric Valmonte)