MABIBILANG sa daliri ang nalalabing araw ng political campaign ng mga kandidato sa idaraos na national at local elections sa Mayo 9. At habang nalalapit ang halalan at patuloy na nararamdaman ang alinsangan ng panahon, kasing-init naman ng tag-araw ang poliical camapign ng mga sirkero at payaso sa pulitika. Sa mga tumatakbo sa national position, kayod-kalabaw at puspusan ang kampanya sa iba’t ibang lalawigan at mga bayan na milyon ang mga botante. Kahit minsan nang napuntahan, binabalik-balika pa rin ng mga kandidato sa pagkapangulo na gustong manirahan sa Malacañang ng anim na taon.

Dinaragsa ng kanilang mga tagasuporta ang bawat rally nila, gayundin sa mga local candidate. Puspusan na ang kampanya at parang mga manok na hindi mangitlog.

Sa ibang bayan, may pinapatay na kandidato at political leader ang mga utak-pulbura. May nagpalabas pa ng malaswang larawan ng isang kandidato. Naging mitsa tuloy ng pagtatalo at muntik nang magsuntukan ang kanilang mga supporter.

Ang pambato ng Daang Matuwid Coalition na si dating DILG Secretary Mar Roxas at running mate nito na si Rep. Leni Robredo ay kasama na lagi sa pangangampanya si Pangulong Benigno Aquino at kapatid nito na si Kris Aquino. ‘Tulad ng pag-eendorso sa political ads sa telebisyon at sa radyo kina Secretary Mar Roxas at Congresswoman Robredo, ay ganoon din ang ginawa ni Kris Aquino sa mga political rally sa mga lalawigan na kanilang pinupuntahan. Matiyak lamang ang panalo ng pambato ng Malacañang na magpapatuloy sa “Daang Matuwid” ni PNoy. Sa pananaw ng iba nating kababayan, nais mailigtas sa demanda ang Pangulong eletista at haciendero kapag natapos na ang panunungkulan nito sa Hunyo 30, 2016.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ayaw nilang matulad si PNoy sa dalawang naging pangulo ng iniibig nating Pilipinas na parehong nakasuhan.

Sa kainitan ng political campaign, kapansin-pansin sa telebisyon at radyo, ay halos paulit-ulit na lamang ang political ads ng mga sirkero at payaso sa pulitika na masalapi at nakahilata sa kayamanan at suportado ng mga bilyonaryong negosyante. Madalas na rin ang interbiyu sa radyo ng mga sirkero at payaso sa pulitiika. Palibhasa’y bahagi ng political ads, binibigyan ang mga ito ng pagkakataon na sabihin ng mga sirkero at payaso sa pulitika ang kanilang mga plataporma. Kasunod ang panawagan sa sambayanang Pilipino na magluluklok sa kanila sa katungkulan at kapangyarihan.

Bahagi na rin ng political campaign ang pagbabago ng suporta sa kandidato ng mga political leader sa mga probinsiya, ‘tulad ng mga mayor o gobernador. Mababanggit na halimbawa ang pagbabago ng suporta ng anim na governor sa Bicol region. Nagbago ang hihip ng hangin sa kanilang ulo. Tinalikuran nila si Secretary Mar Roxas. Ang dahilan, nadismaya umano sila sapagkat hindi itinuloy ng administrasyong Aquino ang mga mahahalagang proyekto sa Albay.

(Clemen Bautista)