UNITED NATIONS – Inaasahang itatampok sa unang U.N. special session para talakayin ang global drug policy sa loob ng halos 20 taon, ang debate kung dapat bang bigyang-diin ng mga bansa ang criminalization at pagpaparusa, o kalusugan at human rights.

Daan-daang opisyal ng pamahalaan, mga kinatawan ng non-governmental organizations at mga indibidwal ang dadalo sa General Assembly sa tatlong araw na special session sa U.N. headquarters sa problema ng mundo sa droga simula Abril 19.

Ang huling U.N. General Assembly Special Session sa topiko noong 1998, ay nagtapos sa arogante ngunit hindi naabot na hangarin na mabura ang droga sa mundo pagsapit ng 2008 (“A Drug Free World: We Can Do It”), dumarami ang mga opisyal ng gobyerno, drug policy analysts at indibidwal na binatikos ang international drug control system.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'