BRASÍLIA (AFP) – Ibinasura ng Supreme Court ng Brazil noong Biyernes ang huling pagsisikap ni President Dilma Rousseff na mapigilan ang impeachment process laban sa kanya.

Tinanggihan ng mga mahistrado ang hiling na injunction laban sa proceedings na tinawag ng mga abogado ng gobyerno na ‘’Kafkaesque’’ at katumbas ng pagtatanggi ni Rousseff na depensahan ang sarili.

Ang desisyon sa emergency session ng Supreme Court na inabot ng hatinggabi ng Huwebes ay nagbigay daan para sa botohan sa Linggo sa mababang kapulungan ng Kongreso, na magdedesisyon sa impeachment trial ni Rousseff.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina