Tinatayang mahigit 54,000 pamilya ang apektado ng tagtuyot na dulot ng El Niño weather phenomenon sa buong lalawigan ng South Cotabato, ayon sa ulat na nakarating sa Department of Agriculture (DA) kahapon.

Ayon kay PSWDO Nelida Pereira, nasa 54,426 na pamilya ang matinding apektado ng tagtuyot, karamihan ay sa bayan ng Surallah na umabot sa 12,380 pamilya mula sa 17 barangay.

Sa bayan ng Norala, umabot sa 9,438 pamilya ang apektado mula sa 14 na barangay; sa Polomolok, 7,763 pamilya mula sa 23 barangay; sa Tantangan, 6,601 pamilya mula sa siyam na barangay; sa Sto. Niño, 5,356 na pamilya mula sa 10 barangay; sa T’boli, 3,852 pamilya mula sa anim na barangay, at sa Lake Sebu, 3,228 mula sa anim na barangay.

Hindi pa kasama rito ang aktuwal na datos mula sa mga bayan ng Tupi, Tampakan at lungsod ng Koronadal.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kaugnay nito, agad namahagi ng food packs ang Philippine Red Cross (PRC) South Cotabato chapter sa mga apektadong pamilya. (Jun Fabon)