Mahigit sa 32,000 Pinoy na nasa ibang bansa ang nakaboto sa isang-buwang overseas absentee voting (OAV) na nagsimula ni Abril 9.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner Arthur Lim, pinuno ng Committee on Overseas Absentee Voting, sa unang tatlong araw ng OAV nitong Abril 9-11 ay umabot na sa 32,364 na overseas voter ang bumoto.

Pinakamarami aniyang bumoto sa Middle East at Africa, na umabot sa 14,453, kasunod ang Asia Pacific, 13,081; Europa, 4,485; at America at Canada, na nasa 345 na ang nakaboto.

Umaasa naman ang Comelec na mas mataas ang magiging turnout ng OAV ngayong taon at malalampasan ang 16 na porsiyentong turnout sa eleksiyon noong 2013.

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Aabot sa 1.3 milyong overseas voter ang nagparehistro para sa halalan sa Mayo 9. (Mary Ann Santiago)