VIENNA (AFP) – Nagbabala ang OPEC noong Miyerkules na mananatiling lumalangoy sa langis ang mundo isang linggo bago ang pagpupulong sa Doha ng mga miyembro ng cartel at iba pang major producer upang talakayin ang pagtigil ng produksiyon para palakasin ang presyo ng langis.
Binawasan din ng Organization of the Petroleum Exporting Countries ang pagtaya nito sa oil demand growth ng mundo ngayong taon at sinabing maaaring babawasan pa nito ang projection.