TALAVERA, Nueva Ecija - Dismayado ang maraming magsasaka sa bayang ito dahil sa biglang pagbaba ng presyo ng kanilang mga aning palay, sa gitna ng matinding tagtuyot na dulot ng El Nino.

Matapos maapektuhan ng pesteng “hanep” ang maraming sakahan sa mga barangay ng Sibul, Bantug Hacienda, Mabuhay, Kinalanguyan at Collado, todo-hirap pa rin ang dinanas ng mga magsasaka dahil tumigil na sa pagbili ng palay ang mga negosyante.

Ayon kay Turing Vistante, 60, magsasaka ng Bgy. Bantug Hacienda, sa isa at kalahating ektaryang saka niya ay umani lang siya ng 60 kaban; na nasa P11-P12 ang bilihan sa kada kilo ng sariwang palay, habang P14 naman sa tuyong palay.

Sinabi naman ni National Food Authority (NFA)-Region 3 Director Amadeo De Guzman na laging bukas ang ahensiya upang bumili ng mga inaning palay mula sa Nuva Ecija sa halagang P17 sa kada kilo ng tuyong palay. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito