Naghain sa Kamara si Zamboanga del Norte Rep. Isagani Amatong ng panukala upang lumikha ng bagong bayan, na tatawaging Lintangan, mula sa munisipalidad ng Sibuco sa Zamboanga del Norte.

Layunin ng House Bill 5830 ni Amatong na mailapit ang mga tao sa gobyerno, dahil ang paglikha ng bagong bayan ay magkakaloob ng “more efficient and effective delivery of basic services embarking on infrastructures and socio-economic development program.”

“Although Sibuco Municipality has the biggest total land area in the entire province and has a larger Internal Revenue Allotment (IRA) shares, the corresponding local government structure and manpower is still inadequate to deliver the expected government basic services to the southernmost town of Sibuco,” ani Amatong.

Batay sa panukala, ang bagong munisipalidad ng Lintangan ay bubuuin ng 10 barangay (Bongalao, Limpapa, Lingayon, Lintangan, Litawan, Lunday, Malayal, Paniran, Sto. Niño, at Tangarak) na ang land area ay nasa 30,000 ektarya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

(Bert de Guzman)