Maglalabas ng mga guideline ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kaugnay ng implementasyon ng Apostolic Exhortation na inisyu kamakailan ni Pope Francis.

Ayon kay CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ang dokumento ay may titulong ‘Amoris Laetitia’ o ‘The Joy of Love’.

Sa nasabing dokumento, nagbibigay ng simpatiya ang Santo Papa sa mga pamilya na may miyembrong bading at binigyang-diin na dapat iwasan ng Simbahang Katoliko ang anumang senyales ng “unjust discrimination” sa mga homosexual.

Sinabi pa ng Santo Papa na maging ang mga pareha na nagsasama nang hindi kasal ay kailangang tanggapin at gabayan, habang ang mga diborsiyado na muling nagpakasal ay hindi dapat na i-excommunicate o itiwalag sa simbahan.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinegundahan naman ni Villegas ang naturang pahayag ni Pope Francis ngunit nilinaw na hindi binago ng Santo Papa ang tradisyon at mga turo ng Simbahang Katoliko.

“It should be made clear that the Holy Father does not in any way depart from the teaching of the Church as contained in the Creeds, the conciliar documents and in the Catechism of the Catholic Church. It is certainly wrong to maintain the position that Catholic teaching in this respect has changed,” saad sa pahayag ni Villegas na ipinaskil sa website ng CBCP.

“The Exhortation is written with an awareness of the many challenges, difficulties, even threats to families, and the different reasons why they sometimes sadly are dysfunctional!” ani Villegas. (Mary Ann Santiago)