Nagsilikas ang may 2,000 katao mula sa dalawang barangay dahil sa takot na maipit sa tuluy-tuloy na labanan sa pagitan ng militar at ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Inihayag ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Tipo-Tipo na dalawang barangay sa nasabing bayan ang apektado sa inilunsad na military operation laban sa Abu Sayyaf.

Batay sa tala ng MSWDO, nagsilikas ang nasa 295 pamilya, o katumbas ng 1,435 katao, mula sa Barangay Baguindan, habang 220 pamilya naman, o 1,057 katao, ang lumikas mula sa Bgy. Silangkum.

Nakatuloy ngayon ang mga residente sa evacuation center sa Tipo-Tipo.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Naglunsad ng military operation ang mga sundalo laban sa grupo ng Abu Sayyaf leaders na si Isnilon Hapilon at Furuji Indama nitong Abril 9.

Matatandaang 18 sundalo ang nasawi at 56 na iba pa ang nasugatan sa nasabing bakbakan. (FER TABOY)