JERUSALEM (Reuters) – Ibinigay ng Israel ang basbas nito sa pagbabalik ng Egypt sa dalawang isla sa Red Sea sa Saudi Arabia, sinabi ni Defence Minister Moshe Yaalon na iginalang ng Riyadh ang mga itinakda ng Israeli-Egyptian peace deal.

Ang mga isla ng Tiran at Sanafir, matatagpuan sa southern entrance patungong Gulf of Aqaba, ay pormal na kikilalanin na sakop ng Saudi sa ilalim ng treaty na inihayag noong Sabado ng Cairo, ang may hawak ng de facto control sa mga ito simula 1950.

Noong 1967, hinarangan ng Egypt ang Strait of Tiran, isang hakbang na nagtulak sa Israel na maglunsad ng digmaan sa Middle East. Sa 1979 peace deal nito sa Israel, nangako ang Cairo na igagalang ang freedom of shipping sa Aqaba at Eilat, isang pangako na sinabi ng Saudi Arabia na tutuparin nito kapag nasa kanila na ang isla.

Ang Eilat ay ang natatanging daungan ng Israel sa Gulf of Aqaba at Red Sea, habang ang Aqaba ay ang nag-iisang outlet ng Jordan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina