LINGAYEN, Pangasinan - Inakusahan ng pambububog at pananakot sa isang senior citizen na kawani ng munisipyo ang alkalde ng Urbiztondo, Pangasinan.

Batay sa naantalang report ng Pangasinan Police Provincial Office, nabatid na nangyari ang insidente dakong 11:30 ng umaga nitong Abril 7, 2016, sa Barangay Galarin sa Urbiztondo.

Ayon sa report, binugbog at tinakot umano ni Urbiztondo Mayor Martin Raul Sanglay Sison II si Bernabe Dela Cruz Samson, 62, kawani ng pamahalaang bayan ng Urbiztondo at residente ng Gen. Luna Street, Bgy. Poblacion, Urbiztondo.

Ayon sa pulisya, si Samson ay campaigner ng kandidato sa pagkaalkalde na si Mirla Dancel Balolong, na katunggali ng re-electionist na si Sison sa eleksiyon sa Mayo 9.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Dinala ang matanda sa Mangatarem District Hospital para sa medico-legal examination.

Samantala, nanawagan si dating Congressman Mark Cojuangco sa Commission on Elections (Comelec)-Pangasinan na isailalim ang Urbiztondo sa kontrol ng komisyon upang maiwasan ang mga ganitong sitwasyon. (Liezle Basa Iñigo)