BRUSSELS (AFP) – Isa sa mga jihadist na nagpasabog ng kanilang mga sarili sa mga pag-atake ng Islamic State sa Brussels noong Marso 22 ay sandaling nagtrabaho bilang tagalinis sa European Parliament ilang taon na ang nakalipas, sinabi ng EU body nitong Miyerkules.

“He held a summer holiday job cleaning at the Parliament for one month in 2009 and one month in 2010. Those were the only instances he worked at the Parliament,” saad sa isang pahayag.

Hindi pinangalanan ang indibidwal, ngunit sinabi ng isang source na konektado sa imbestigasyon sa AFP, na ito ay si Najim Laachraoui, ang nagpasabog sa Brussels airport at itinuturo ring bomb-maker sa Paris attacks noong Nobyembre 2015.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina