NAGTUTUNGO sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang mga magkakatunggaling kandidato sa pagkapangulo, nagpapamigay ng campaign materials, inihahayag ang mga plataporma at kanilang mga pangako upang makuha ang boto ng mga mamamayan para manalo.

Tinanggap ni Sen. Grace Poe ang pag-endorso ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa kanyang kandidatura sa pagkapangulo.

Habang nakuha naman ni Sen. Miriam Defensor Santiago ang endorso ng mga grupo ng mga estudyante, lalo na sa Metro Manila.

Anuman ang mangyari, siya ay magiging presidente…”The Campus President,” ayon sa kanyang mga taga-suporta.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Natanggap naman ni dating DILG Sec. Mar Roxas ang endorse ni PNoy sa pagtatapos ng LGU planners sa Malacañang.

Magtutulungan tayo ngunit planuhin muna natin ang aking pagkapanalo, bulong niya kamakailan.

Ipinahayag naman ni VP Binay ang kanyang pag-aalala sa magiging epekto ng money-laundering scandal sa “beloved” OFWs.

Nangako si Duterte na wala nang “boundary system” at hindi na magkakaroon ng katakut-takot na requirements para sa bus at jeepney drivers.

Kung sakaling siya ang manalo, kukunin ba sila ni Digong bilang Malacañang drivers?

Muling maghaharap-harap ang mga “presidentiables” sa ikatlong “PiliPinas 2016” presidential debate sa Abril 24 sa Dagupan City na iisponsoran ng ABS-CBN at ng Manila Bulletin.

Samantala, nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) laban sa pangha-hack ng website at humingi na rin ito ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) upang maiwasan ito.

Samantala, nagbabala si Comelec Chairman Andres Bautista at si Civil Service Commission (CSC) Chairman Alicia Bala na bawal mag-endorso ang mga barangay officials, government officials at employees, mga guro sa pampublikong paaralan, pulis at military personnel ng kahit na sinong kandidato.

Ayon kay Bautista, “They have to follow the law, mainly the Local Government Code. They should be neutral in the way they provide services to their constituents. And they are not supposed to belong to any political party.”

(Fred M. Lobo)