SAO PAULO (AP) – Nabulag ang 18 Brazilian matapos gumamit ang mga surgeon ng unsterilized instrument sa cataract treatment campaign sa isang industrial suburb ng Sao Paulo, inihayag ng mga opisyal nitong Huwebes.

Ayon sa city hall ng Sao Bernardo do Campo, 27 indibiduwal na kanilang inoperahan noong Enero 30 ay bahagi ng kampanya, at 22 sa mga ito ay nagkaroon ng eye infection na tinatawag na endophthalmitis. Nabulag ang 18 sa kanila.

“Everything was fine when I left the hospital on the Saturday I was operated on. All was fine on Sunday. I could see perfectly well,” lahad ni Expedito Batista sa Globo TV network. “But when I woke up on Monday, it was all dark. I couldn’t see a thing.”

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Lumabas sa imbestigasyon ng city government na nagkaroon ng kontaminasyon sa surgery “because of flaws in the disinfection and sterilization of the surgical instruments used.”