IPINAGDIRIWANG ngayon, Marso 29, ng mga taga-Binangonan, Rizal ang ika-116 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng nasabing bayan na kung tawagin ay Araw ng Binangonan. Ang Binangonan, isang class A municipalitay, ang pinakamalaking bayan sa Rizal. Binubuo ito ng 41barangay kabilang na ang 19 na barangay sa Talim Island. Ang pagdiriwang ng Araw ng Binangonan ay pangungunahan nina Mayor Boyet Ynares, Vice Mayor Rey dela Cuesta at ng mga miyembro ng Sanggunian Bayan. Tampok ang Misa ng Pasasalamat sa makasaysayang simbahan ng parokya ni Sta. Ursula na patroness ng Binangonan. Susundan ito ng Grand Parade na magsisimula sa harap ng simbahan at lalahukan ng mga miyembro ng Sanggunian Bayan, mga empleyado ng munisipyo, guro at mag-aaral, kabataan, opisyal ng barangay at senior citizens.

Magkakaroon din ng simpleng programa at bibigyang-parangal ang mga nagwagi sa drum and lyre competition at street dancing competition na nilahukan ng mga mag-aaral sa Binangonan.

Ang nasabing pagdiriwang ay inihudyat ng paglulunsad ng mga makabuluhang gawain bilang bahagi ng selebrasyon, tulad ng pre-pageant ng Binalayan Festival Prince at Binalayan Festival Queen, nitong Marso 12, sa Casimiro Ynares Sr. auditorium. Kasunod nito, noong Marso 15 hanggang Marso 19, ang Mega Trade Fair na nilahukan ng iba’t ibang business establishment sa Binangonan at itinampok ang mga produkto ng Binangonan at horticulture product. At pagsapit ng gabi ng Marso 19 ay kinoronahan naman ang napiling Binalayan Festival Prince at Binalayan Festival Queen. Napiling Binalayan Festival Prince ang kinatawan ng Barangay Tagpos at ang Binalayan Festival Queen ay mula sa Barangay Kinagatan sa Talim Island. Si Mayor Boyet Ynares ang naggawad ng parangal at naging mga panauhin sina Rizal Vice Governor San Juan Jr. at Rizal Board Member Arling Villamayor.

Ang Binangonan, ayon sa kasaysayan, ay dating kilala sa tawag na Visita de Morong. Naging malayang parokya ito noong 1621 at naging isang bayan noong 1737. Ang simbahan na dambana ng kanilang patroness ay itinayo ng mga paring Franciscano noong 1792 at natapos noong 1800. Mula noon hanggang ngayon, ang simbahan ay naging pook-dalanginan ng mga mamamayan na may matapat na pananalig sa Poong Maykapal.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Naging ganap na munisipalidad ang Binangonan noong Marso 29, 1900, sa pamamagitan ng Executive Order No. 40, sa ilalim ng rehimen ng mga Amerikano. Nang maging lalawigan ng Rizal ang Distrito Politico Militar de Morong (Morong District) noong Hunyo 11, 1901, ang Binangonan ay naging bayan sa Rizal. Ang unang alkalde ay si Mayor Don Jose C. Ynares.

Sa Binangonan, Rizal isinilang sina dating Rizal Governor Casimiro Ito Ynares Jr.at si dating Rizal Congressman Dr. Bibit Duavit na magkatuwang sa pagpapaunlad sa Binangonan. (Clemen Bautista)