Ronda 2016

Ni Angie Oredo

ILOILO CITY – Ayaw paawat ng Philippine Navy -Standard Insurance. At tila walang nagbabantang humarang sa kanilang layunin na dominahin ang Ronda Pilipinas sa ikalawang sunod na leg.

Magkakasabay na dumating sa finish line ang Navymen na sina Rudy Roque, Jan Paul Morales at Ronald Oranza, na bunga ng matikas na taktika ng koponan sa pagratsada kahapon ng Stage Two ng 2016 Ronda Pilipinas Visayas leg dito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May pagkakataon sana ang overall leader na si Oranza na itala ang ikalawang sunod na stage win katulad nang naisagawa niya sa naunang Mindanao Leg, subalit nagdesisyon ang tatlo na huwag nang mag-iwanan sa finish line.

Nakuha nila ang parehong tiyempong isang oras at 1:07 minuto.

Gayunman, tinanghal na Stage winner si Rudy Roque base sa mas mabilis na 26.69 segundo sa unang kurba ng karera, habang ikalawa si Oranza na may 26.75 segundo at si Morales na may 26.83 segundo. Ikaapat naman si El Joshua Carino ng Navy na may 1:07:50:38 at ikalima si Ronald Lomotos ng Team LBC/MVP na may 1:09:50.40.

“Ginamitan namin ng taktika. Mabuti naman naging epektibo. Kung mananatili kami sa ganitong diskarte lamang na kami,” ayon kay Roque.

Nakamit ng Navymen ang overall title sa naunang Mindanao leg.

Tumapos na ikaanim si Julius Mark Bonzo ng LBC/MVP (1:09:56.38s) habang ikapito si Jhon Mark Camingao ng Navy (1:09:57.12s). Ikawalo si Lloyd Reynante ng Navy (1:10:08.52s) kasunod si Jerry Aquino Jr ng LBC/MVP) 1:10:08.87s) at si Rustom Lim ng LBC/MVP (1:10:09.20s).

Nakapagtumpok si Roque ng 15 puntos para makapantay sa natipong 28 ni Oranza na hawak pa rin ang overall leadership na may kabuuang oras na 2:16.50.69, habang si Roque ay may 2:16:50.77.

Umakyat si Morales sa ikatlo mula sa dating ikapitong puwesto sa 2:17:34.49, kasunod si Lomotos (2:19:16.70). Nalaglag sa ikalima ang dating ikatlong si Rostum Lim (2:19:33.60) habang umakyat mula sa ikawalo tungo sa ikaanim sa Julius Mark Bonzo (2:20:05.32).

Umangat din mula sa ika-26 puwesto tungo sa ikapito si El Joshua Carino (2:20:39.35) kasunod ang nakakabata nitong kapatid na si Daniel Ven Carino sa ikawalo na nalaglag mula sa ikalimang puwesto (2:20.22:83). Ikasiyam si Joel Calderon na dating ikaanim (2:19:49:35) at si Reynante ang bumuo ng top 10 (2:20:18.45).

Napanatili naman ni Oranza ang overall sprint lead na may 15, kasunod si Morales na may 10. Ikatlo si Roque na may 9 na puntos.

Ang Best Local rider ay muling nakamit ni Nonvendane Alejado na may natipong dalawang puntos.

“I’m happy that a Navy teammate won,” sambit ni Oranza, may pitong stage victory sa kabuuan ng karera.