Ilang araw pang mananatili ang M/V Jin Teng ng North Korea sa Subic Freeport Zone matapos pigilin ng Philippine Coast Guard (PCG) alinsunod sa United Nations Security Council Resolution 2270.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, matapos ang inter-agency meeting nitong Miyerkules, napagdesisyunang mananatili muna ang barko ng NoKor sa Zambales hangga’t hindi pa nakukumpleto ang imbestigasyon rito.
Idinagdag niya na napagkasunduan din na maaaring paalisin na ng bansa ang mga crew kung walang makikitang paglabag sa kargamento ng barko.
Nilinaw ng Malacañang na wala pang pakikipag-ugnayan ang gobyerno ng North Korea kaugnay sa pagpigil sa kanilang cargo vessel.
Iniimbestigahan ng pamahalaan ang MV Jin Teng dahil sa hinalang may dala itong weapons of mass destructions.
(Beth Camia)