Rupert at Jerry copy

LONDON (Reuters) – Inihatid na sa altar ni Rupert Murdoch ang dating supermodel na si Jerry Hall sa isang simpleng seremonya sa central London, nitong Biyernes. Ito na ang ikaapat na pagpapakasal ng media mogul.

Abot hanggang tenga ang mga ngiti nina Murdoch, 84, executive chairman ng News Corp (NWSA.O) at may-ari ng 21st Century Fox, Inc., at Hall, 59 anyos, matapos isagawa ang seremonya sa Spencer House, isang 18th-century mansion na itinayo para sa ancestor ni Princess Diana.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

“No more tweets for ten days or ever! Feel like the luckiest AND happiest man in world,” sulat ni Murdoch sa Twitter.

Nagsimulang mag-date sina Murdoch, nakasuot ng navy suit, at Hall, nakasuot ng pale-gray trench coat at flat shoes, noong nakaraang summer matapos silang ipakilala ng isang kaibigan sa Australia. Una silang nakita ng publiko na magkasama sa Rugby Union World Cup Final sa London noong Oktubre.

Na-engage sila noong Enero sa Los Angeles nang dumalo sila sa awards ceremony ng Golden Globes.

Ipinagdiwang nina Murdoch at Hall nitong Sabado ang kanilang pagpapakasal sa St. Bride’s Church sa London, na kilala sa wedding-cake spire nito.

“Within months the printing dinosaur that was Fleet Street was dead. By 1989 all the national newspapers had decamped as other proprietors followed Murdoch’s lead,” ayon sa website ng simbahan.

Ayon sa Sydney Morning Herald, nakatakdang dumalo ang 10 anak ng magkasintahan mula sa mga nakaraang relasyon; ang anim na babae ay tatayong bridesmaid.

Lumaki sa Melbourne, Australia, diniborsiyo ni Murdoch ang kanyang ikatlong asawa na si Wendi Deng noong 2013 makalipas ang 14 na taong pagsasama. Si Deng ay dating executive sa Murdoch-owned Star TV sa China.

Ang Texan model at actress na si Hall ay mahigit 20 taong karelasyon ng Rolling Stones singer na si Mick Jagger.