GENEVA (AP) – Sinabi ng U.N. human rights chief na ang mga awtoridad ng U.S. “risk unlocking a Pandora’s Box” sa pagsisikap nilang obligahin ang Apple para lumikha ng software upang mabuksan ang security features ng mga telepono nito, at hinimok ang ahensiya na magdahan-dahan sa kanilang binabalak.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, nagbabala si Zeid Raad al-Hussein tungkol sa potensiyal ng “extremely damaging implications” sa mga human rights activist, mga mamamahayag, mga whistleblower, at iba pa.

Sa pamamagitan ng korte, pinupuwersa ng FBI ang Apple na tumulong sa pagbubukas sa encrypted iPhone na ginamit ng suspek sa likod ng pamamaril noong Disyembre sa San Bernardino, California, na ikinamatay ng na 14 katao.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina