Inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) ang onscreen verification ng vote counting machines para sa eleksiyon sa Mayo 2016.

Sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na ang onscreen verification ay nagpapahintulot sa mga botante na maberipika ang “accuracy of the VCM’s interpretation of the ballot” bago ito ihulog sa ballot box.

Maaaring i-review ng mga botante ang pagproseso ng VCM sa kanilang balota sa loob ng 15 segundo.

Ito ang naging desisyon ng en banc matapos pag-aralan ang mga panganib at benepisyo ng nasabing functionality.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“The Commission is mindful of the risk that the use of the onscreen verification functionality may have in facilitating vote-buying, and that there is a possibility that other people will attempt to know how a person has voted by peeking, surreptitiously or otherwise, at the onscreen display while the voter is examining it,” pahayag ni Bautista, sinipi ang kanilang en banc Resolution No. 10071 na may petsang Marso 3, 2016.

Inaasahan na dahil sa bagong desisyon na ito ng poll body, kokonsumo ito ng karagdagang dalawa at kalahating oras sa voting process.

Sinabi ni Bautista na ang inisyal na “vote enabling feature” ay aabot ng tatlo hanggang apat na segundo. Gayunman, matapos ang deliberasyon, napagkasunduan ng en banc na gawin itong 15 segundo.

Samantala, muling iginiit ng Comelec na hindi sila magbibigay ng voter’s receipt dahil sa posibilidad na magamit ito sa vote buying at mas magpapahaba pa sa oras ng pagboto. (MARY ANN SANTIAGO)