Nagdesisyon ang pamahalaang lungsod ng Lapu-Lapu City, Cebu na magdeklara ng “state of preparedness,” bunsod ng patuloy na tensyon sa mga bansang nasa rehiyon ng Gitnang Silangan.
Sa isang memorandum na inilabas ng pamunuan ng lungsod noong Miyerkules, Marso 4, ikinasa daw nila ito bilang tugon sa inaasahang pagtaas ng presyo at petrolyo sa pandaigdigang merkado.
“In light of the ongoing unrest in the Middle East, and the anticipated sharp rise in fuel prices, the City Government of Lapu-Lapu hereby declares a State of Preparedness,” nakasaad sa nasabing memorandum.
Anila, ang inisyatibong ito ay naglalayon ding tiyakin ang “efficiency” at “sustainability” ng kanilang lungsod.
“This measure is intended to safeguard the efficiency and sustainability of Lapu-Lapu City Government operations amidst the expected global economic repercussions, particularly the rising costs of fuel, commodities, transportation, and essential goods,” anila.
Dahil dito, minanduhan nila ang lahat ng departamento sa kanilang nasasakupan na gawin ang mga sumusunod na hakbang: “fuel conservation,” “energy efficiency,” water management,” “program and activities,” “public market monitoring,” at pagsuporta sa mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Photo courtesy: Lapu-Lapu City Information Office/FB
Sa kaugnay na ulat, nagbaba rin ng isang direktiba si dating Vice President at ngayo’y Naga City Mayor Leni Robredo na nag-uutos ng isang “emergency fuel cuts” para naman sa kaniyang nasasakupan, bunga ng lumalala pa ring tensyon sa mga bansang nasa rehiyon ng Gitnang Silangan.
MAKI-BALITA: Mayor Leni, iniutos 'emergency fuel cuts' sa Naga bunsod ng US-Israel, Iran war-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA