Naaresto ng mga barangay tanod ang isang 28-anyos na itinuturong gumahasa sa isang Grade 1 pupil sa Navotas City, nitong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Rolly Gutlay, residente ng Barangay Tanza, Navotas.

Bagamat hindi pinangalanan, sinabi ng pulisya na ang biktima ang isang walong taong gulang na babae.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima sa kanyang bahay nang biglang lumitaw ang suspek at binitbit ang bata sa madamong lugar sa tabi ng ilog sa Barangay Tanza.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Bagamat nagpupumiglas at sumisigaw, sinabi ng biktima na wala pa ring nakarinig na residente sa kanyang paghingi ng tulong dahil malayo ang lugar sa kinatatayuan ng mga bahay.

Binantaan pa umano ng suspek ang dalagita na papatayin niya ito kapag nagsumbong sa mga magulang.

Subalit hindi pa rin nagpadala sa matinding takot ang biktima at isinumbong pa rin sa kanyang magulang ang panghahalay ni Gutlay.

Agad namang naaresto ng mga barangay tanod ang suspek habang natutulog sa kanyang bahay sa Bgy. Tanza. (Jel Santos)