SINGAPORE (AP) — Sinabi ng Singapore nitong Martes na ipina-deport nito ang apat na Indonesian na patungo sa Syria para sumama sa grupong Islamic State.

Ayon sa Ministry of Home Affairs, ipinatapon ang apat pabalik sa Indonesia matapos mabunyag sa imbestigasyon na may balak silang magtungo sa Syria para lumaban para sa ISIS (isa pang acronym para sa grupong Islamic State).

Iniulat ng peryodikong Straits Times ng Singapore na kabilang sa apat ang isang 15-anyos na lalaki na idinetine nitong Linggo sa pagtangkang makapasok sa Singapore mula sa Johor, Malaysia.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina