CABANATUAN CITY - Naging matagumpay ang pagtugis sa matagal nang pinaghahanap ng batas makaraang maaresto ang suspek sa isang kaso ng double murder sa manhunt operation na ikinasa ng Nueva Ecija Police Provincial Police Office (NEPPO) at Jones Municipal Police sa Barangay I sa bisinidad ng Municipal Complex.

Ayon kina Supt. Ricardo Villanueva, ng NEPPO, at Chief Insp. Noel Pattalitan, ng Jones Police, naaresto si Jay Sugcang y Tadique, 28, binata, magsasaka, at residente ng Bgy. I, Quezon, Nueva Ecija, na halos tatlong taong nagtago sa batas.

Si Sugcang ang most wanted person sa lalawigan, at ngayon ay nagsisilbing security officer sa isang konsehal na kandidatong alkalde sa Jones.

Ang suspek, ama at kapatid nito ay pangunahing suspek sa brutal na pagpatay sa mag-asawang Mario Mamangon at Marcelina Castro-Mamangon noong Disyembre 30, 2013, sa Bgy. Pulong Bahay, Quezon, Nueva Ecija. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito