Pebrero 19, 1473 nang isilang si Nicolaus Copernicus (“The Father of Modern Astronomy”) sa Torun, Poland, sa isang mayamang pamilya ng mga negosyante ng copper.

Si Bishop of Varmia Lucas Watzenrode ang tumayong ama niya noong siya ay 10 taong gulang. Kalaunan ay nag-aral siya ng pagpipinta at mathematics sa University of Cracow mula 1491 hanggang 1494, at naging interesado sa cosmos, kaya naman nangolekta siya ng mga libro tungkol dito. Nag-aral siya ng religious law sa University of Bologna mula 1496 hanggang 1500.

Taong 1508 nang gumawa si Copernicus ng sariling modelo na nagbibigay-diin na ang Earth at ang iba pang planeta ay umiikot sa araw. Noong mga panahong iyon, naniniwala ang mga siyentista na ang Earth ay hindi kumikilos, at nagsisilbing sentro ng kalawakan.

Pagsapit ng 1514, sinulat ni Copernicus ang maikling artikulo na may pamagat na “Commentariolus”. Ipinagbawal ng Simbahang Katoliko ang ikalawa niyang libro tungkol sa paksa.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens