GENEVA (AFP) — Inilabas ng World Health Organization nitong Miyerkules ang initial response plan nito sa Zika virus outbreak, inilunsad ang funding appeal para sa $56 million operation.

Ang unprecedented outbreak ng virus, unang nadiskubre sa Uganda noong 1947, ay ikinababahala ng mundo sa hinalang ang Zika ay nagdudulot ng dalawang seryosong neurological disorders, ang microcephaly at Guillain-Barre syndrome.

Sinabi ng health agency ng UN na nangangailangan ito ng $25 million para pondohan ang kanyang sariling response plan, at karagdagang $31 million para suportahan ang mga gawain ng mga pangunahing partner nito.

“The strategy focuses on mobilising and coordinating partners, experts and resources to help countries enhance surveillance of the Zika virus and disorders that could be linked to it,” saad sa pahayag ng WHO.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'