ANGEL copy

SUCCESSFUL ang neck procedure na ginawa kay Angel Locsin sa isang hospital sa Singapore. Nag-post siya ng picture sa Instagram before and after the procedure kasabay ang paghingi ng prayers at pasasalamat sa mga nagdasal na friends at followers niya sa Instagram.

Sa latest picture na ipinost, sabi ni Angel, “Road to recovery bagay ba ang neck brace?“

May suot kasi siyang neck brace at makikita siguro ito sa kanyang pagbabalik ng bansa.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

After i-delete ang video post niya kay Luis Manzano na tinawag niyang “ex”, nagpaka-positive na si Angel. Nag-post siya ng “What The World Needs Now Is Love Sweet Love” at binati ng Happy Valentine’s Day ang kanyang followers.

Kahit mga kaibigan at fans na lang ang bumati sa kanya sa Valentine’s Day last Sunday, masaya siya at nagsabing nakakagaan daw ng loob ang pagmamahal ng kanyang fans.

Ang hindi pa malinaw ay kung kaya na ni Angel na gawin ang Darna after the two medical procedure na ginawa sa kanya. Kaya na ba niyang lumipad at makipag-fight scene? (NITZ MIRALLES)