CHENNAI, India (AFP) — Sinabi ng mga awtoridad ng India na ang bumagsak na bagay na ikinamatay ng isang bus driver at ikinasugat ng tatlong iba pa, ay isang meteorite. At kapag napatunayan, ito ang una sa ganitong kaso sa kasaysayan.

Nilinaw ng mga eksperto na posible rin ang ibang paliwanag sa insidente noong Sabado sa katimogang estado ng Tamil Nadu.

Ang impact ng nasabing bagay ay nag-iwan ng limang talampakang lalim ng crater sa lupa, ayon sa Times of India, ikinawasak ng mga bintana sa mga kalapit na gusali, at ikinamatay ng driver na natiyempo ang pagdaan sa lugar.

Ang nasabing bagay ay tumitimbang ng 11 gramo, dagdag ng pahayagan, kasing bigat lamang ng isang AAA battery.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'