Posibleng maapektuhan ang industriya ng bangus sa Pilipinas kapag huminto ang pamahalaan sa pag-angkat ng mga bangus fry.

Sinabi ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region I Director Nestor Domenden, nakasandal pa rin ang Pilipinas sa importasyon ng bangus fry, mula sa Indonesia at iba pang bansa, para madagdagan ang produksyon ng bangus sa bansa.

Hindi lamang mga bangus fry ang inaangkat ng pamahalaan sa ibang bansa pati ang ibang uri ng isda na maaaring mabuhay sa Pilipinas.

Bunsod nito, hinihikayat ng BFAR ang mga lokal na mangingisda at fish hatcheries sa bansa na palaguin pa ang sektor ng pangisdaan upang hindi na umasa ang Pilipinas sa importasyon ng isda. (Jun Fabon)
Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji