RIO DE JANEIRO (AP) — Dalawang tao sa timog silangang Brazil ang nahawaan ng Zika virus sa pamamagitan ng blood transfusions, sinabi ng isang municipal health official nitong Huwebes, nagprisinta ng panibagong hamon sa mga pagsisikap na masupil ang virus matapos mabunyag ang isang kaso ng sexual transmission sa United States.
Ang dalawang hindi magkakaugnay na kaso sa Brazil ay marahil ang unang pagkakataon na ang Zika ay naisalin sa pamamagitan ng blood transfusions sa kasalukuyang outbreak, kahit na sinabi ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention, at ng iba pang organisasyon ng kalusugan, na ang Zika ay maaaring maisalin sa pamamagitan ng blood transfusion.
Sinabi ni Brigina Kemp, mataas na opisyal ng kalusugan sa lungsod ng Campinas, na isang biktima ng pamamaril at isang transplant patient ang kapwa nasuring positibo sa Zika matapos tumanggap ng blood transfusion mula sa magkakaibang donor.