ABOARD A US MILITARY AIRCRAFT (AP) - Humihiling si Iraqi Prime Minister Haider al-Abadi sa koalisyon nito sa American military ng karagdagang police training, partikular para sa Sunnis na magbabantay sa Ramadi at sa iba pang lungsod kapag naitaboy na mula sa nasabing lugar ang mga miyembro ng Islamic State, ayon sa matataas na opisyal ng militar ng Amerika.

Partikular na hiniling ni Abadi ang karagdagang trainers sa pakikipagpulong niya kay U.S. Defense Secretary Ash Carter ngayong linggo sa World Economic Forum sa Switzerland, ayon sa mga opisyal.

Sa pamamagitan ng coalition airstrikes, nabawi ng puwersang Iraqi ang Ramadi noong nakaraang buwan. Agad namang sumaklolo ang mga sinanay na lokal na pulis upang bigyang-seguridad ang komunidad.

Internasyonal

Pamilya ng Pinay na pinaslang umano ng foreigner na asawa nito, nanawagan sa gobyerno