MADRID (AFP) — Tumaas ang bilang ng international tourist sa 4.4% noong 2015 upang pumalo sa rekord na 1.18 bilyon sa kabila ng mga pangamba sa pag-atake ng mga extremist, sinabi ng United Nations World Tourism Organization noong Lunes.

Nananatili ang France bilang most popular tourist destination, sinusundan ng United States, Spain at China, ayon sa Madrid-based body na sumusubaybay sa bilang ng mga turista na nanatili nang magdamag sa alinmang international destination.

“2015 results were influenced by exchange rates, oil prices and natural and man-made crises in many parts of the world,” sinabi ni Taleb Rifai, pinuno ng UN body, sa isang news conference.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina