BEIJING (AP) — Isang 26-anyos na babaeng Chinese ang namatay sa bird flu, at isa pang babae ang iniulat na nasa malubhang kalagayan.
Ang dalawa ay nahawaan ng H5N6, isang strain ng bird flu na sa mga tao pa lamang sa China nasuri.
Kinumpirma noong Martes ng press officer sa Center for Disease Control and Prevention ng Shenzhen ang pagkamatay ng isang babae noong Disyembre 30. Malubha naman sa ospital ang isang 40-anyos na babae mula rin sa probinsya ng Guangdong, iniulat ng Xinhua News Agency.
Anim na human case ng H5N6 ang iniulat sa kabuuan, sa buong China, simula noong Mayo 2014. Ang virus ay nasuri sa mga manukan sa China, Lao at Vietnam.