Nagpatupad kahapon ng big-time price rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Petron.
Sa pahayag ng Petron, kinumpirmang nagtapyas ito ng P4.85 sa presyo ng kada kilo ng Gasul at Fiesta Gas, katumbas ng P53.25 tapyas sa bawat 11 kilogram na tangke nito.
Bukod sa cooking gas, may bawas-presyo na P2.70 sa kada litro ng Auto-LPG nito.
Sinundan ito ng Solane at Eastern Petrolem nang mag-abisong magbababa ng kaparehong bawas-presyo sa LPG nito bandang 6:00 ng umaga kahapon, Enero 2.
Ang bagong price rollback ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.
Ikinatuwa naman ng mga may-ari ng karinderya, na malakas gumamit ng LPG, ang bagong bawas-presyo sa cooking gas dahil malinaw na may dagdag silang kita sa negosyo. (Bella Gamotea)