Rain or Shine vs Alaska_09_Sarmiento_121215 copy

Mga laro ngayon

Araneta Coliseum

4:15 p.m. Meralco vs. Rain or Shine

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

7 p.m. Alaska vs. San Miguel Beer

Second outright semis berth, pag-aagawan ng Alaska at ROS.

Selyado na para sa defending champion San Miguel Beer ang top spot kaya’t ikalawang posisyon na lamang ang hahabulin ng katunggali nitong Alaska para sa insentibong outright semifinals berth sa ginaganap na 2016 PBA Philippine Cup sa nakatakda nilang pagtutuos ngayong gabi sa Araneta Coliseum.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto ang Aces taglay ang barahang 7-2, panalo-talo, ngunit kasalo nito ang Rain or Shine na gaya nila ay naghahabol din para sa naunang nabanggit na insentibo kaya’t titiyakin din nito ang panalo upang hindi malaglag sa ikalawang puwesto sa pagsagupa nito sa Meralco sa pambungad na laro.

Ngunit kung sakaling kapwa manalo ang dalawang koponan, magkakaroon sila ng playoff game upang alamin kung sino ang papasok na No.2 team at kasamang mauunang umusad ng Beermen sa semifinals.

Sisikapin ng Aces na makabangon mula sa pagkatalong 105-111 na nalasap sa kamay ng Elasto Painters noong nakaraang Disyembre 11 na nagtabla sa kanilang dalawa sa ikalawang puwesto.

Sa dalawang nakatakdang laro, mas mabigat ang haharapin ng Aces dahil kahit nakatitiyak na slot sa semis, at hindi basta-basta patatalo ang Beermen na manggagaling sa 7-game winning streak magmula ng malasap ang nag-iisang talo sa kamay ng Elasto Painters.

“Gojng to the Alaska game kailangan ma-match up namin intensity nila. Must win for them, kasi , loss would mean that they’ll be eliminated sa top 2, we have to be ready,” pahayag ni San Miguel Beer coach Leo Austria.

Sa unang laro, kahit wala na sa kontensiyon ang kalabang Meralco Bolts, gusto namang makatiyak ng Elasto Painters sa kanilang tsansa para sa outright semis berth.

“Hope we can make the semis outright. That’s our goal from now,” pahayag ni ROS coach Yeng Guiao. “We can’t lose to Meralco or our chance will be a lot less.” (MARIVIC AWITAN)