Dalawang kasapi ng isang criminal gang at pinaghahanap ng pulisya ang napatay makaraang makipagbakbakan sa Salug, Zamboanga del Norte.

Sinabi sa report ng Zamboanga Del Norte Police Provincial Office na nangyari ang engkuwentro sa Sitio Abuno, Barangay Mucas, Salug, dakong 10:30 ng umaga nitong Sabado.

Ayon sa pulisya, isinisilbi ang mga warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa kasong murder at frustrated murder laban sa apat na miyembro umano ng Muloc criminal group.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Eting Taupan, 36; at Taring Malabato, 45, residente sa naturang lugar.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Pinaghahanap pa sina Jaripal Ahil, Basiran Mudja, at Ebrahim Ahil makaraang makatakas sa nasabing operasyon.

(Fer Taboy)