Hiniling ni Senator Ferdinand Marcos, Jr. na imbestigahan ang napaulat na pagtatapon ng daan-daang sako ng bigas na natagpuan sa isang malayong barangay sa Dagami, Leyte.

Ayon sa mga ulat, may markang NFA (National Food Authority) ang mga sako ng bigas ay natagpuang sa isang malalim na hukay at ang iba ay nakasilid sa mga plastic bag na may markang DSWD (Department of Social Welfare and Development).

“Kailangang maimbestigahan itong mabuti. Bagamat wala pang masyadong detalye hindi malayong kabilang ang mga bigas na ito sa mga relief goods para sa mga biktima ng super-typhoon Yolanda,” ani Marcos.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Hihintayin ko muna ang ulat ng mga kaukulang ahensya at mga lokal na awtoridad. Pero kung hindi mabibigyan ng linaw ang insidente ay mapipilitan akong magsagawa ng mas malalimang imbestigasyon dito,” dagdag ng senador.

Kahina-hinala umano ang pagtatapon ng mga bigas dahil ayon sa NFA ay maaari pa ring gamiting pakain sa hayop ang mga bigas na hindi na pwedeng kainin ng tao.

“Ang pagsasayang pa lang ng bigas ay masama na. Pero kung lalabas na relief goods ang mga ito ay higit itong nakakasuklam. Dapat may managot dito,” giit ni Marcos. (Leonel Abasola)