ENGLAND (AFP) — Isang pre-Christmas advert ng Lord’s Prayer ang ipinagbawal sa pinakamalaking cinema chains sa Britain, na ikinagulat ng Church of England (CofE).

Ang 56-segundong advertisement ay nagtatampok ng mga mananampalataya sa iba’t bang anyo ng buhayna inuusal ang pangunahing dasal ng mga Kristiyano.

Inaprubahan ito ng British Board of Film Classification at ng Cinema Advertising Authority. Gayunman, tumanggi ang Digital Cinema Media (DCM) agency, may hawak ng adverts para sa Odeon, Cineworld at Vue cinemas, na ipalabas ito.

Ikinatwiran ng DCM ang polisiya nilang hindi tatanggap ng “political or religious advertising content for use in its cinemas”.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM

Sinabi ni CofE spokesman Reverend Arun Arora, na ang desisyon ay kumukuwestyon sa freedom of speech sa Britain, binigyang diin na ang Lord’s Prayer ay bahagi na ng pang-araw-araw na buhay sa Britain sa loob ng maraming siglo.