BUENOS AIRES, Argentina (AP) — Nangangako si President-elect Mauricio Macri na muling pasisiglahin ang bumagsak na ekonomiya ng Argentina sa mga reporma sa free-market at pagpapabuti sa umasim na relasyon sa United States, sa pagdala sa kanya ng mga botante sa makasaysayang panalo na nagwakas sa 12 taong pamumuno ni President Cristina Fernandez at ng kanyang namayapang asawa.

“Today is a historic day,” sabi ni Macri sa mga nagdiriwang na tagasuporta noong Linggo. “It’s the changing of an era.”

Opisyal siyang manunungkulan sa Disyembre 10.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'