Nasungkit ni flashy Aston “Mighty” Palicte ang bakanteng trono ng WBO Oriental super flyweight na titulo sa unanimous decision na laban, subalit ang stablemate niyang si Adores “Ironman” Cabalquinto ay nakaranas ng unang talo nitong Biyernes ng gabi sa Philippine Navy gym sa Fort Bonifacio, Taguig City.
Si Palicte ng MP Davao Stable sa ilalim ni 8-division world champion Manny Pacquiao’s assistant trainer na si Nonoy Neri, ay nagpakita ng sobrang taas laban kay Vergilio Silvano ng Omega Gym mula Cebu sa kanilang 12-round title fight.
Sinamantala ang kanyang taas na halos five feet, ipinakita ni Palicte ang mabilis niyang galaw upang mapigil ang pag-atake ni Silvano.
Binigyan ng iskor ni Judge Salvador Lopez ang laban na 118-108 samantalang sina Gil Co at Jerrold Tomeldan ay kapwa nagbigay ng 116-110 pabor kay Palicte, na umangat sa kanyang record na 20-panalo na may 17 knockout at may isang talo.
Si Palicte, na No. 2 super flyweight, na iginawad ng Games and Amusements Board, ay nakaranas din ng una niyang pagkatalo sa nabanggit ding lugar nang siya ay magretiro sa huling segundo ng 4th round kontra Romnick Magos para sa bakanteng WBO Youth flyweight title noong Disyembre 1, 2012.
Si Cabalquinto, ang kasalukuyang WBC Asian Boxing Council and Philippine junior super lightweight title-holder, ay nakaranas din ng kabiguan mula sa mga kamay ni No. 2 ranked Al Rivera, ng Brusmick Boxing Stable, sa Santa Rosa, Laguna sa 3rd round knockout.
Ito ang unang pagkatalo ni Cabalquinto makaraan ang 21 straight wins, na may 14 na knockout at walang tabla.
Sa simula ng laban, nagpakita ng puwersa si Cabalquinto.
Subalit si Rivera, na nagkaroon ng sugat bunga ng accidental head butt, ay bumuwelta ng lakas upang gapiin si Cabalquinto sa loob ng 30 segundo sa 3rd round.
Binilangan ni referee Virgilio Garcia si Cabalquinto, na agad na binigyan ng oxygen ng mga ring physician.
Umangat ang record ni Rivera sa 14 panalo kontra dalawang talo at may naitalang 12 knockout. (PNA)