GENEVA (AFP) – Ang “El Niño” phenomenon, nagbunsod ng matitinding klima sa mundo, ay ang pinakamalala sa loob ng mahigit 15 taon, sinabi ng UN weather agency noong Lunes, nagbabala na nagdudulot na ito ng matitinding tagtuyot at baha.

Sinabi ng World Meteorological Organization na ang El Niño, nangyayari kada dalawa hanggang pitong taon, ay muling lumitaw ilang buwan na ang nakalipas, at naging “mature and strong”, at inaasahang magiging pinakamalakas sa pagtatapos ng taon.

“Severe droughts and devastating flooding being experienced throughout the tropics and sub-tropical zones bear the hallmarks of this El Nino, which is the strongest in more than 15 years,” sabi ni WMO chief Michel Jarraud sa isang pahayag.

Ang El Niño ay bunsod ng pag-init ng temperatura sa ibabaw ng dagat sa Pacific Ocean. Maaari itong magdala ng napakalalakas na ulan sa ilang bahagi ng mundo at tagtuyot sa iba pa.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture