KUALA LUMPUR (AFP) — Nagpasya ang UN Working Group on Arbitrary Detention na iligel ang pagkakakulong kay dating Malaysian opposition leader Anwar Ibrahim at nanawagan na agad siyang palayain, ayon sa kopya ng opinyon na inilabas noong Lunes ng kanyang pamilya.

Si Anwar, 68, ay ikinulong noong Pebrero ng limang taon matapos unang ikulong sa kasong sodomy. Itinanggi niya ang mga akusasyon at tinawag itong frame-up ng gobyerno ng Malaysia.

‘’The Working Group considers that the adequate remedy would be to release Mr. Ibrahim immediately, and ensure that his political rights that were removed based on his arbitrary detention be reinstated,’’ saad sa opinyon, may petsang Setyembre 15.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina