KABUL (Reuters)— Nakaligtas ang isang Afghan member of parliament sa targeted suicide attack sa Kabul noong Linggo ngunit tatlong katao kabilang ang isang bata ang namatay at walong iba pa ang nasugatan, sinabi ng mga awtoridad.

Paalis na ang parliamentarian na si Gul Pacha Majidi sa isang pulong sa silangang Kabul nang salubungin siya ng bomber.

“The bodyguards saw a suspicious man and tried to stop him, but he detonated his vest,” sabi ni Kabul police chief Abdul Rahman Rahimi. Tinamaan ng shrapnel sa leeg si Majidi, ngunit ligtas na ang kanyang kondisyon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente