PILAR, Sorsogon – Arestado ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Sorsogon, Pilar Coast Guard at Pilar Municipal Police ang isa sa mga leader ng Ilonggo/Waray-Waray robbery gold-up group sa pantalan ng bayang ito sa aktong magbibiyahe pauwi sa Masbate, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Insp. Jose Arnel Gloriane Geronga, hepe ng Pilar Municipal Police, ang nadakip na si Ariel Gimena y Apondar, alyas Nonoy, 31, taga-Barangay Dapdap, Uson, Masbate.

Sinabi ni Geronga na si Gimena ay may warrants of arrest na inisyu ni Hon. Judge Dionisio Sison ng Regional Trial Court (RTC) Branch 125 sa Caloocan City (attempted robbery with homicide at carnapping); sa RTC Branch 72 sa Olongapo City, Zambales (robbery); at RTC Branch 205 sa Quezon City (illegal possession of firearms at paglabag sa Omnibus Election Code).

Inaresto ang suspek dakong 4:30 ng umaga kahapon sa Pier Site sa Poblacion Pilar, Sorsogon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ni Geronga na isa si Gimena sa mga most wanted sa Pilipinas. - Niño Luces