(Reuters)– Hindi na makapaglalaro si Kevin Durant, ang reigning Most Valuable Player ng NBA, sa kabuuan ng season dahil kailangan niyang sumailalim sa isa pang foot surgery, isang malaking dagok sa tsansa ng Oklahoma City Thunder sa playoffs, ayon sa koponan kamakailan.

Ang six-time All-Star ay sasailalim sa isa pang surgery sa kanang paa sa darating na linggo at inaasahan magbabalik sa basketball activities sa loob ng apat hanggang anim na buwan, sabi ng Thunder.

Ang kanyang pagkawala ay isang malaking dagok sa Thundner na kumakapit sa final playoff seed sa Western Conference, tatlong laro ang abante sa ninth-place na Phoenix, may 10 laban pa ang natitira.

Si Durant, may average na 25.4 puntos, 6.6 rebounds at 4.1 assists sa kanyang 27 laro ngayong season, ay sumailalim sa surgery noong nakaraang buwan upang maibsan ang pamamaga sa kanyang paa sanhi ng screw na inilagay noong Oktubre sa isang procedure para ayusin ang fracture sa ilalim ng kanyang small toe.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ngunit matapos niyang bumisita sa dalawang espesyalista noong nakaraang linggo, nadetermina na ang fracture, na kinakitaan ng paggaling, ay nagpapakita ng regression.

“The bone graft is the standard procedure for the five to eight percent of Jones fracture surgeries that do not initially have success or experience setbacks sometime within the recovery period,” ani Thunder sa isang statement.

“While everyone is disappointed that Kevin falls into that group, we are encouraged that the bone graft procedure has historically demonstrated long-term health and stability.”

Ang balita ay dumating isang linggo makaraang sabihin ng koponan na si Durant, 26, ay mawawala ‘indefinitely’ dahil sa mga problema sa kanyang surgically repaired right foot.

Si Durant, isang four-time NBA scoring champion na nagningning sa gold medal-winning U.S. team sa 2012 Olympic Games, ay unti-unti nang napapalitan ang pagbabalik bago siya tanggalin ng koponan sa anumang aktibidad na may kinalaman sa basketball noong nakaraang linggo.